IBINABALA | Paghahati sa Palawan, magpapalakas sa pag-aangkin ng China sa West Philippine Sea

Manila, Philippines – Ibinabala ni Senator Risa Hontiveros ang paglakas sa pag-angkin ng China sa West Philippine Sea makaraang makapasa sa senado ang panukalang naghahati sa Palawan sa tatlong probinsya.

Base sa house bill number 8055 na inisponsor ni Committee on Local Government Chairman Senator Sonny Angara, tatawagin ang mga ito na Palawan del Norte o Northern Palawan, Palawan Oriental o Central Palawan at Palawan del Sur o Southern Palawan.

14 na senador ang bomoto pabor sa panulala at tanging si Senator Hontiveros lang ang komontra.


Ayon kay Hontiveros, ang palawan ang nakabungad sa ating mga teritoryo sa West Philippine Sea na inaangkin ng China.

Paliwanag ni Hontiveros, dahil sa panukala ay tatlong maliliit na local government units na lang ngayon ang kakaharapin ng China sa halip na isang malakas na provincial government.

Napag-alaman din ni Hontiveros na walang isinagawang konsultasyon para sa panukala at hindi nabigyang konsiderasyon ang mga vironmental at natural resources laws sa bansa.

Facebook Comments