IBINALIK | Higit P200 milyong unrefunded terminal fees, isinauli ng Cebu Pacific sa MIAA

Manila, Philippines – Isinauli ng Cebu Pacific sa Manila International Airport Authority (MIAA) ang mahigit 200 milyong pisong unrefunded terminal fees.

Ito ay ang mga hindi ibinalik na terminal fee ng higit 200,000 dayuhang pasahero na bumiyahe mula noong February 1, 2015 hanggang April 30, 2018.

Kasama na rin dito ang mga hindi nakuhang terminal fee ng mga domestic na pasahero.


Ang terminal fee ay matatandaang isinama na sa presyo ng mga tiket sa eroplano.

Nagpapasalamat naman si MIAA General Manager Ed Monreal sa inisyatibo ng Cebu Pacific at umaasa na susunod na ang iba pang airline company.

Facebook Comments