Manila, Philippines – Ibinalik na ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde ang security detail ni Senador Antonio Trillanes IV.
Ayon kay PNP Spokesperson Senior Superintendent Benigno Durana, hindi lang si Trillanes ang nakaranas na alisan ng security detail dahil magkakaiba naman ang petsa na nagla-laps ang security order.
Aniya, nag-expire lamang ang kontrata ng mga ito at kailangan lamang i-renew.
Inamin naman ni Durana na utos ng Malacañang na pag-aralan ng PNP ang mga police security detail na ibinigay sa mga opisyal ng gobyerno at mga pribadong indibidwal.
Sabi ni Durana, ito ay para hindi magamit ang mga pulis lalo at papalapit na ang panahon ng eleksyon.
Kabilang sa pinag-aaralan aniya ng PNP para mabigyan ng security detail ang isang tao ay ang antas ng panganib nito sa buhay.