IBINALIK | Service vehicle ni dating CJ Sereno, isinauli na sa Korte Suprema

Manila, Philippines – Ibinalik na ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang kontrobersyal niyang service vehicle sa Korte Suprema.

Ito ay matapos pagtibayin ng Kataas-Taasang Hukuman ang desisyong patalsikin siya sa pwesto.

Inantay muna ni Sereno ang pinal na desisyon ng Korte Suprema bago isauli ang Toyota Land Cruiser na nagkakahalaga ng limang milyong piso.


Hindi pa malinaw sa ngayon kung sino na ang susunod na gagamit ng sasakyan o kung ito ay ipapasa sa susunod na punong mahistrado.

Bukod sa service vehicle, ipinag-utos din ng Korte ang pag-recall sa security details na itinalaga para kay Sereno.

Facebook Comments