Ibinanderang malawakang kilos protesta ng mga kabataan sa tapat ng Camp Crame, nilangaw

Manila, Philippines – Nilangaw ang ibinanderang malaking kilos protesta ng mga kabataan sa pangunguna ni Fr. Robert Reyes sa Kampo Crame kaninang umaga.

Pasado alas diyes ng umaga nang magtipon sa harap ng gate 1 ng Kampo Crame ang 16 na miyembro ng “youth resist” upang ihayag ang kanilang pagtutol sa mga nagaganap na pagpatay ng mga kabataan.

Bago sinimulan ang programa, nag-alay ng maiksing dasal si Fr. Robert Reyes para matigil na ang “pagdanak ng dugo” sa kampanya kontra droga ng pamahalaan.


Kasabay nito, kinondena naman ni Student Council Alliance of the Philippines OIC Secretary General Jeza Rodriguez ang nagaganap na pagpatay sa mga kabataan, at nanawagan ng hustisya para sa mga batang biktima ng war on drugs.

Nagsagawa ng “die-in” ang mga protesters kung saan humiga ang mga ito sa kalsada sa tapat ng gate 1 ng Camp Crame at mapayapang nag-dispurse matapos ihayag ang kanilang saloobin.

Facebook Comments