IBINASURA | Apela ni dating Sen. Jinggoy Estrada kaugnay ng dismissal ng kasong plunder, ibinasura ng Korte Suprema

Manila, Philippines – Tuloy ang paglilitis ng Sandiganbayan sa kaso ni dating Senador Jinggoy Estrada kaugnay ng pork barrel scam.

Ito ay matapos ibasura ng Supreme Court en banc ang petition for certiorari ni Estrada na kumukuwestyon sa probable cause ng Ombudsman para kasuhan siya ng plunder at graft.

Anim na mahistrado ng Korte Suprema ang pumabor sa punto ng Ombudsman habang apat ang kumontra.


Ayon kay Supreme Court Spokesperon Atty Theodore Te, apat na mahistrado ang hindi sumama sa pagdesisyon sa kaso ni Estrada na nakabinbin sa 5th division ng Sandiganbayan.

Gayunman, hindi na ipinaalam ng Korte Suprema kung sino ang nagbigay ng boto pabor o kontra kay Estrada.

Facebook Comments