IBINASURA | DOJ, tinanggal na ang provisional coverage sa Witness Protection Program ni Pork Barrel Scam Queen Janet Lim Napoles

Manila, Philippines – Tinanggal na ng Department of Justice (DOJ) ang provisional coverage sa Witness Protection Security and Benefits Program ni Pork Barrel Scam Queen Janet Lim Napoles.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, wala silang nakikitang banta sa buhay ni Napoles sa kustodiya ng Camp Bagong Diwa sa Taguig kaya at wala ng rason para palawigin pa ang kanyang provisional coverage.

Una nang hiniling ni Napoles na mailipat siya sa isang safe house mula sa Camp Bagong Diwa dahil sa banta raw sa kanyang seguridad.


Ibinasura din ng Sandiganbayan first, third at fifth divisions ang urgent motion for transfer of custody na inihain ni Napoles.

Matatandaan na noong February 28, 2017, isinailalim ng noo’y Justice Secretary Vitaliano Aguirre si Napoles sa 90 day Provisoinal coverage ng WPP.

Facebook Comments