IBINASURA | Kahilingan ni Peter Lim na ibasura ang reinvestigation, hindi pinagbigyan ng DOJ

Manila, Philippines – Binasura ng Department of Justice (DOJ) ang kahilingan ng negosyanteng si Peter Lim na bawiin ang reinvestigation sa reklamong inihain laban sa kanya ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) kaugnay ng drug trade sa Visayas.

Sa resolusyon na pirmado ni Justice Secretary Menardo Guevarra, idineklarang walang merito ang motion for reconsideration na inihain ni Lim sa March 19, 2018 order ni Dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre.

Una nang bumuo ang Department Of Justice (DOJ) ng bagong panel of prosecutors at isinantabi ang resolusyon ng naunang panel na nag-abswelto laban kina Lim, Peter Co, Kerwin Espinosa at iba pa sa reklamong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.


Sa nasabi ring kautusan ay ipinag-utos ng DOJ ang pagsasagawa muli ng preliminary investigation sa kaso kasama na ang pagtanggap ng mga bagong ebidensya.

Facebook Comments