IBINASURA | Pagbasura sa petisyon ni Senador Trillanes na i-dismiss ang 5-million lawsuit kaugnay ng Hacienda Binay, pinagtibay ng Korte Suprema

Manila, Philippines – Pinagtibay ng Supreme Court (SC) ang desisyon ng lower court sa hirit ni Senator Antonio Trillanes IV na ibasura ang P5-million civil suit na inihain ng negosyanteng si Antonio Tiu na “dummy” owner umano ng “Hacienda Binay sa Batangas.

Batay sa March 14 ruling ni Associate Justice Noel Tijam, binasura ng SC first division ang petition for certiorari ni Trillanes na nagpapawalang bisa sa May at December 2015 orders ni Judge Evangeline Castillo-Marigomen ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) branch 101 sa pamamagitan ng pag-invoke sa parliamentary immunity.

Una nang ibinasura ni Marigomen ang mosyon ni Trillanes na i-dismiss ang damages complaint na inihain sa kanya ni Tiu, na tinawag nito sa harap ng media bilang “dummy” ni dating Vice President Jejomar Binay.


Matatandaang sinabi ni Trillanes na pag-aari ni Binay ang 350-hectare property sa Rosario, Batangas kung saan 150 hectares nito ay kinabibilangan ng paved roads, manicured lawns, mansion na mayroong pool, man-made lakes, at horse stable na mayroong practice race tracks.

Facebook Comments