Manila, Philippines – Ikinatuwa ng Palasyo ng Malacañang ang pagbabayad ng Mighty Corporation ng utang nitong buwis na nagkakahalaga ng 40 billion pesos.
Ang pagbabayad ay resulta na rin ng mga naging pahayag ni Pangulong duterte laban sa nasabing cigarette company.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang ibinayad na utang ng Mighty Corporation ay malaki ang maitutulong sa malalaking infrastructure projects ng pamahalaan.
Maituturing aniya itong pinakamalaking tax settlement sa buong kasaysayan ng bansa at malaki ang mararating nito para sa administrasyon.
Tiniyak din naman ni Abella na hindi mapapagod ang pamahalaan at si Pangulong Rodrigo Duerte sa paghabol sa mga hindi nagbabayad ng buwis at pananagutin ang mga may sala.
Facebook Comments