Ibinebentang obra ni Heart Evangelista, umabot sa tatlong milyong piso ang halaga

Umabot sa tatlong milyong piso ang halaga ng mga obrang ibinebenta ng aktres, model at influencer na si Heart Evangelista.

Ayon kay Heart, karamihan sa mga binibili niya para sa kanyang sarili ay galing sa perang naipon niya mula sa kinikita niya sa pagpipinta.

Ang hand-painted bags ni Heart ay nagkakahalaga ng 200,000 pesos na pansamantalang itinigil ang pagbebenta dahil ani ng aktres, nais niyang maging limited edition ito.


Hindi naman maikakaila ang angking talento ni Heart Evangelista pagdating sa pagpipinta kaya naman marami ang tumatangkilik sa mga obra nito.

Facebook Comments