Manila, Philippines – Ibinida ng Palasyo ng Malacañang na maagang naisumite ng ehekutibo ang proposed 2019 national budget na binuo ng Department of Budget and Management o DBM at natanggap ito kahapon ng Kamara.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, sa Budget Message ni Pangulong Duterte para sa 2019 national budget ay kasama dito ang mga budget priorities ng administrasyon para sa susunod na taon.
Kabilang aniya dito ang pagpapalakas ng infrastructure development, pagpapalawak ng mga human development programs, pagbuo ng mas ligtas at mapayapang bansa at marami pang malalaiing social programs.
Binati din naman ni Roque ang DBM sa maagang pagsusumite ng 2019 National Budget na ginawa matapos ang State of the Nation Address ni Pangulong Duterte kahapon.
Matatandaan na sinabi ni Pangulong Duterte na bago matapos ang Hulyo ay isusumite na ng ehekutibo sa kongreso ang 5 packages ng tax reform kung saan hinikayat ng Pangulo ang kongreso na ipasa ang mga ito.