Japan – Ibinida ngayon ng palasyo ng Malacanang na tinatangkilik ngayon ng isang Japanese Chocolate Company ang mga Cacao beans ng Pilipinas.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, base sa report ng Department of Trade and Industry sa Malacanang ay ginagamit ngayon ng Nayuta Chocolatasia ng Japan ang Cacao Beans ng Davao Region na produkto ng isang asosasyon ng mga magsasaka.
Ang nasabing asosasyon aniya ay napabilang sa Supply Value Chain ng nasabing Japanese Chocolate Company.
Matatandaan na bukod sa Cacao Beans ay inexpert din ng Pilipinas ang maraming produkto tulad ng pinya, saging, manga at maraming iba pa.
Facebook Comments