IBINIDA | Excise tax collection, tumaas ng 80%

Manila, Philippines – Ibinida ngayon ng Palasyo ng Malacanang na tumaas ang Excise Tax Collection ng Bureau of Internal Revenue sa unang buwan ng 2018 o noong nakaraang enero na unang buwan ng pagpapatupad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, umakyat ang koleksyon ng BIR ng halos 82% kung ikukumpara sa mga nakaraang taon dahil sa ipinatutupad na Train Law kung saan nakakuha ng dagdag na koleksyon mula sa segarilyo, sasakyan at sugar sweetened beverages.

22.078 Billion Pesos aniya ang nakolekta ng BIR at lampas ito sa 20.501 Billion Pesos na target ng ahensiya noong Enero. Kaugnay niyan ay tumaas din naman aniya ng 30% ang pondo mula sa Train na mailalaan sa Conditional Cash Transfer Program at Pantawid Pasada Progam ng Pamahalaan.


Facebook Comments