Ibinida ng Palasyo ng Malacañang na napanatili ng Pilipinas ang tiwala ng mga investors sa Bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, batay sa impormasyong mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas ay nakapagtala ang Pilipinas ng mataas na Foreign Direct Investment na umabot sa 1.64 billion US dollars noong buwan ng Mayo ngayong taon na isa din sa mataas na naitala mula noong Oktubre ng 2017 kung saan umabot ang FDI sa 1.92 billion US Dollars.
Ipinagmalaki din naman aniya ng BSP na tumaas ng 142.9% ang FDI noong nakaraang Mayo kung ikukumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon na nagkakahalaga ng 677 million US dollars.
Bukod aniya dito ay mayroon ding 49% o katumbas ng 4.8 billion US Dollars na pagtaas sa FDI mula noong Enero hanggang Mayo ngayong taon kung ikukumpara sa naitala Noong nakaraang taon sa parehong panahon na aabot lamang sa 3.3 billion US Dollars.