Manila, Philippines – Ibinida ni BOC Commissioner Isidro Lapena na kumita ang ahensiya ng mahigit dalawang bilyong piso kung saan umaabot sa P2.326 billion ngayong buwan ng August 2018.
Ayon kay Lapena ang revenue collection ng BOC ay pumalo sa P51.739 billion hanggang sa 4.7 percent kumpara sa collection target ng ahensiya na P49.31 billion.
Paliwanag ni Lapena na malaking kontribusyon ang 15 Collection Districts upang maging ang Revenue Collection Performance ng Port of Batangas, Port of Manila, Port of Limay, Port of NAIA, Port of Cebu, Port of Davao, Port of Cagayan, Port of San Fernando, Port of Iloilo, Port of Clark, Port of Tacloban, Port of Legaspi, Port of Zamboanga, Port of Aparri at Port of Surigao.
Giit ni Lapena na ang August collection ay 35.1 percent mas mataas sa P38.289 billion na collection sa kaparehas na taon.
Dagdag pa ng opisyal na ang one-strike policy ng commissioner ay nagtulak sa mga ports officials upang mahigitan nila ang kasalukuyang targets kung saan umaabot sa kabuuang nakulekta ng Bureau of Customs (BOC) ng P384.3 billion kita simula January hanggang August na mas matas ng 4 percent kumpara sa P283.56 billion na collection noong 2017.