IBINIDA | Malacañang, ipinagmalaki ang resulta ng SWS survey na pagbaba ng crime rate sa bansa

Manila, Philippines – Ibinida ng Palasyo ng Malacañang na bumaba na ang bilang ng mga krimen sa bansa batay sa pinakahuling survey ng social weather station o SWS.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, batay sa survey ay bumaba ang tinatawag na property crime tulad ng akyat-bhay, pagnanakaw, carnapping at iba pa.

Nasa 5.1% aniya ang Crime rate noong nakaraang June kung ikukumpara sa naitalang crime rate noong Marso ngayong taon na naitala sa 6.1%.


Ibinida din ni Roque na batay sa survey ay naitala ang record-low na 0.2% na pamilyang Pilipino na nasaktan sa pamamagitan ng physical violence sa nakalipas na 6 na buwan.

Tiniyak din naman ng Malacañang na gagawin ng administrasyon ang lahat para epektibong labanan ang krimenalidad sa bansa at hindi papakakampante sa pagbaba ng bilang ng naitalang krimen.

Facebook Comments