Manila, Philippines – Ibinida ng palasyo ng Malacañang na maraming trabaho ang nagawa ng Administrasyong Duterte nitong nakalipas na taon.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, sa kabila ng pag taas ng bilang ng mga underemployed at part time workers nitong Enero ng 2018 kung ikukumpara sa kaparehong panahon ng nakalipas na taon ay tumaas naman ang bilang ng mga may trabaho sa bansa.
Paliwanag ni Roque, tumaas sa 41.8 million o na Pilipino ang may trabaho na naitala nitong Enero ng 2018 kung ikukumpara sa 39.3 million noong Enero ng 2017 na katumbas aniya ng 94.7% employment rate ngayong 2018 mula sa 93.4% noong 2017, bumaba din naman aniya ang unemployment rate sa 5.3% nitong Enero mula sa 6.6% noong Enero ng 2017.
Tiniyak din ni Roque na patuloy ang mga ginagawang hakbang ng pamahalaan para mapaganda ang labor situation sa bansa.