IBINIDA | Mas magandang relasyon ng Pilipinas at Japan, resulta ng bilateral meeting ni PRRD kay Japan Prime Minister Abe

Manila, Philippines – Ibinida ngayon ng Palasyo ng Malacañang na maganda ang naging resulta ng naganap na bilateral meeting ni Pangulong Rodrigo Duterte ag Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa Singapore.

Ayon kay Presidential Spokesman at Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo, pinagtibay ni Prime Minister Abe pagpapalawig pa ng kanilang partnership sa Pilipinas at kinilala din nito ang mga ipinatutupad na patakaran at programa ni Pangulong Duterte.

Sinabi ni Panelo na binati din ni Abe ang administrasyon sa pagkakapasa ng Bangsamoro Organic Law at tiniyak din aniya nito ang pagsuporta sa peace Process at nagpasalamat naman aniya ni Pangulong Duterte sa tulong na ibinigay ng Japan sa rehabilitasyon ng Marawi City at sa Development ng Mindanao.


Ipagpapatuloy din aniya ng Japan ang kanilang supprta sa Build Build Build Program ng Pamahalaan na ikinatuwa aniya ni Pangulong Duterte.

Pinagusapan din naman aniya ng dalawang lider ang mga issue patungkol sa South China Sea kung saan binigyang diin aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang commitment ng Pilipinas sa pagtataguyod ng freedom of navigation at overflight, freedome of commerce at lawful activities lalo na ang mapayapang pagresolva sa territorial disputes.

Tiwala naman aniya ng Malacañang na magpapatuloy pa ang tinatawag na golden age ng relasyon ng Pilipinas at Japan na resulta aniya ng maingat, makatotohanan, diplomatiko at independent foreign policy na ipinatutupad ng Administrasyon.

Facebook Comments