Manila, Philippines – Ibinida ngayon ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na natanggal na ang Pilipinas sa top 5 deadliest countries para sa mga mamamayag ngayong 2018.
Batay sa inilabas na annual report ng media freedom organization na reporters without boarders ay ang top 5 na deadliest country para sa mga mamamayag ay ang Afghanistan, Syria, Mexico, India at Estados Unidos ng Amerika.
Nabatid na natanggal ang Pilipinas sa listahan dahil 3 lamang ang naitalang media killing ngayong taon.
Ayon kay Andanar, malaking tulong sa magandang balita na ito ang pagbuo ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Presidential Taskforce on Media Security sa bisa ng inilabas nitong Administrative Order Number 1.
Sinabi ni Andanar na magpapatuloy ang pamahalaan sa pangangalaga sa kaligtasan at karapatan ng mga mamamahayag sa bansa na nalalagay sa alanganin ang buhay dahil sa kanilang trabaho.
Sinabi naman ni PTfoMS Executive Director Joel Egco na patunay lang ito na patuloy ang pagsusumikap ng Taskforce na tuparin ang kanilang mandato na protektahan ang buhay, kalayaan at seguridad ng mga media workers at imbestigahan upang maresolba ang mga una nang kaso laban sa mga ito.
Tiniyak din nito na gagawin ng Administrasyong Duterte ang lahat para hindi na mabalik pa ang Pilipinas sa top 5 na mga bansang pinaka delikado sa mga mamamahayag.