IBINIDA | PNP, ipinagmalaki ang pagkakaresolba ng 13 mula sa 18 kasong pagpatay sa mga lokal na opisyal

Manila, Philippines – Ipinagmalaki ng Philippine National Police (PNP) na naresolba na ang 13 mula sa 18 kasong pagpatay sa mga lokal na opisyal sa loob ng mabilis na panahon.

Base sa datos ng PNP, umabot na sa 11 alkalde ang nasawi habang anim na bise alkalde naman ang napatay mula 2016.

Bukod dito, may limang kaso pa ang iniimbestigahan kabilang na ang kaso ni La Union, Mayor Alexander Buquing na sinasabing may kinalaman sa away pulitika.


Pinaaaresto na rin ni PNP Chief, Director General Oscar Albayalde ang mga riding in tandem at mga gun for hire na nasa likod ng pamamaslang.

Samantala, patuloy pa rin ang internal cleansing sa hanay ng pulisya kung saan libu-libong pulis na ang nasampahan ng kaso, napatawan ng parusa, naibaba sa pwesto at natanggal sa serbisyo matapos mapatunayan ang kanilang paglabag sa batas.

Facebook Comments