IBINIGAY | Mga bagong patrol vehicles, itinurn-over sa Makati police

Makati – Itinurn-over ng Makati City Local Government ang mahigit dalawampung emergency response vehicles sa PNP ng lungsod.

Pinangunahan ni Makati City Mayor Abegail Binay ang turn over ceremony sa Circuit Ayala Mall Open Grounds sa Makati

Kabilang sa mga ipinagkaloob ang (18) labing walong Strada Pick Up Truck at (4) apat na Avanza.


Sinabi ni Mayor Binay, kulang pa ang tulong dahil bukod sa patrol cars, magbibigay pa ng motorsiklo ang lokal na pamahalaan dahil may mga lugar na mas madali pasukin kapag nakamotor.

Pinasalamatan naman ni Makati City Chief of Police-Chief Sr Supt Rogelio Simon ang lokal na pamahalaan dahil sa tulong na ipinagkaloob sa Makati police

Samantala, pinaalalahanan ng alkalde ang pulis Makati na ingatan at iwasang mabangga, huwag tulugan at gamitin ng tama ang mga bagong sasakyan.

Facebook Comments