Manila, Philippines – Ibinigay na ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa NBI ang committee report ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng magnetic lifters drug smuggling case.
Ipinauubaya na ni Guevarra sa NBI ang pagsasagawa ng evaluation at imbestigasyon sa nasabing report matapos ang Senate investigation.
Ayon kay Guevarra, ipinauubaya niya na rin sa NBI ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa mga nasa likod ng pagpapalusot ng P11 billion drug shipment.
Noong Huwebes, kinasuhan na ng PDEA ang 44 individuals kaugnay ng P11 billion shabu shipment na isinilid sa apat na magnetic lifters at sinasabing inilusot sa Bureau of Customs (BOC).
Kabilang sa respondents sina dating PDEA Deputy Director General Ismael Fajardo, dating PNP-AIDG OIC Eduardo Acierto, Police Inspector Lito Pirote, Joseph Dimayuga at dating Customs Intelligence Officer Jimmy Guban.