Ibinubugang Sulfur Dioxide ng Bulkang Taal nananatiling mataas – PHIVOLCS

Inihayag ngayon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS na nananatili pa rin na mataas ang antas ng ibinubugang Sulfur Dioxide ng Bulkang Taal.

Ayon sa abiso ng PHIVOLCS, nakapagtala ng 14,211 tonelada kada araw noong Febuary 19, 2024.

Paliwanag ng PHIVOLCS mayroon din umanong tinatawag na “upwelling” na mainit na volcanic fluids sa main crater lake.


Aabot naman sa 1,200 meters ang taas ng malakas na pagsingaw na napapadpad sa Timog Kanluran ng Bulkang Taal.

Wala naman na naitalang volcanic earthquake ang PHIVOLCS sa Bulkang Taal sa nakalipas na bente-kwatro oras.

Nananatili rin sa Level 1 ang Bulkang Taal.

Facebook Comments