Ibinugang asupre ng Bulkang Taal, nanatiling mataas — PHIVOLCS

Inihayag ngayon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na nananatiling mataas ang ibinubugang sulfur dioxide o asupre ng Bulkang Taal.

Ayon sa PHIVOLCS, aabot sa 9,311 tonelada kada araw ang naitalang sulfur dioxide mula sa Bulkang Taal.

Paliwanag ng PHIVOLCS nasa 1,200 na metro ang taas ng katamtamang pagsingaw ang naitalang sa bulkan.


Napagawi o napadpad ang pagsingaw ng Bulkang Taal sa Timog-Kanluran.

Sabi ng PHIVOLCS, sa kabila na maituturing na bahagyang aktibidad ang ipinapakita ng Bulkang Taal ay wala naman naitalang volcanic earthquakes.

Dagdag pa ng PHIVOLCS na nananatli pa rin sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal kung saan mahigpit na ipinagbawal ang pagpasok sa volcano island na isang Permanent Danger Zone.

Facebook Comments