Manila, Philippines – Ibinulgar ni DILG Usec. for Barangay Affairs Martin Diño na maraming barangay officials ang gumamit ng iligal na droga kaya sila nanalo sa nakaraang barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Sa ngayon aniya ay tinututuka na nila ang nasabing report at kinukumpirma kung sinu-sino ang mga barangay official na sangkot sa iligal na droga.
Paliwanag ni Diño, dapat mayroong report ang mga barangay official sa kanilang mga kampanya laban sa iligal na droga.
Kabilang na aniya ang pagsusumite ng kanilang BADAC sa loob ng isang linggo.
Dagdag pa ni Diño hindi pa rin ligtas ang mga opisyal ng barangay na nanalo sa nakaraang halalan dahil tuloy-tuloy pa rin ang ginagawa nilang monitoring sa mga ito lalo na yung mga nasa narco list.
Facebook Comments