IBINULGAR | Grab, may overcharged na aabot sa P100 million kada linggo

Manila, Philippines – Ibinulgar ni PBA Party list Representative Jericho Nograles na may hiwalay pa na overcharged ang Grab na aabot sa P100 million kada linggo.

Ito ay hiwalay sa P2 per minute na singil sa travel time na nauna nang sinuspinde ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB).

Ayon kay Nograles, sa inaprubahang LTFRB order, ang singil lamang ng Grab ay 40 pesos base fare, dagdag ng 10 pesos hanggang 14 pesos per kilometer charge at hanggang 2x surge sa bawat kilometro.


Ang nangyayari aniya ay may 40 Pesos pang hidden charge na sinisingil sa mga pasahero.

Minsan ay sinubukan niyang pag-eksperimentuhan at kalkulahin ang dapat na singil sa 500 meter ride ng Grab na dapat sana ay nasa 58 pesos lamang kasama na dito surge pero ang fare range na lumalabas ay nasa 100 pesos hanggang 108 pesos.

Iginiit ni Nograles na maliban sa 3.2 billion pesos na travel time charge na unang siningil sa mga pasahero, mayroon pang hiwalay na 40 pesos dagdag na singil na dapat i-refund sa publiko.

Facebook Comments