IBINULGAR | PhilHealth, ibinunyag na ang higit 10 bilyong pisong pondo na para sa mga senior citizens ay inilipat sa DOH

Manila, Philippines – Ibinunyag ng PhilHealth sa Senado ang P10 bilyong pondo sana para sa senior citizens na ipinalipat sa Department of Health (DOH) ni dating Secretary Janette Garin.

Ayon kay PhilHealth Chief Operating Officer Ruben Basa, Abril 2015 nang nagpadala sila ng billing statement sa DBM na P12.2 bilyon para sa premium requirement ng senior citizens na mababawas sa unprogrammed appropriations ng 2015 general appropriations act.

Pero malaman nila na Agosto 2015 nang nagpadala sina Garin at dating PhilHealth President Alex Padilla ng joint letter sa DBM para ilabas ang P10.6 bilyong pondo sa unprogrammed appropriations para gamitin sa health facilities enhancement program ng DOH.


Naniniwala naman si Senador JV Ejercito, chairman ng health and demographics committee, posibleng ito ang dahilan kung bakit nahihirapan ang PhilHealth na magbayad ng claims.

Pero paglilinaw ni Basa, hindi ito nakaapekto sa pagbabayad nila sa claims dahil malaki pa rin ang reserved funds ng PhilHealth.

Kasabay nito, kinumpirma naman ni Health Secretary Francisco Duque III na may dumating na sulat sa kanila galing dbm na nagsasabing may pera ngang inilipat sa DOJ.

Noong Marso 2018, nang sampahan ng PhilHealth ng reklamo sila Garin at Padilla sa Ombudsman dahil sa kanila umanong paglabag sa anti-graft and corrupt practices act.

Facebook Comments