IBINULSA | Kalahating bilyon nawala sa kaban ng PCSO

Manila, Philippines – Umaabot sa kalahating bilyong piso ang sinasabing nawawala sa kaban ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) bunsod ng mga tiwaling operator ng Small Town Lottery o STL sa bansa.

Ayon kay PCSO Director Sandra Cam, hindi nire-remit sa PCSO ang singil sa STL ng mga delinkweteng operators dahil ‘pinoproteksiyon” umano ng ilang tiwaling opisyal ng PCSO.

Sinabi ni Cam, ini-report na umano niya kay GM Balutan ang mga delingkwenteng STL operators pero ang sagot umano sa kanya ay pagbigyan na lamang.


Nagbanta si Cam na ipaparating niya kay Pangulong Rodrigo Duterte ang problemang ito sa STL dahil ayaw umanong umaksiyon si GM Balutan.

Paliwanag pa ni Cam, siya pa umano ang sinisisi ni GM Balutan kung bakit hindi siya nakakasingil sa mga tiwaling STL operator sa bansa.

Facebook Comments