Ibinunga ng pagbisita ni PBBM sa US, tagumpay para sa Pilipinas

Para kay Leyte 1st District Representative Ferdinand Martin Romualdez, tagumpay para sa Pilipinas ang naging resulta ng opisyal na pagbisita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Estados Unidos.

Ayon kay Romualdez, ang pulong ni PBBM kay US President Donald Trump ay naglatag ng matibay na pundasyon para sa mas bukas na kalakalan, mas matibay na ugnayang militar, at mas maraming oportunidad para sa mga Pilipino.

Binigyang-diin ni Romualdez, na ang nabuong kasunduan sa kalakalan ay nagbubukas ng mas malawak na oportunidad para sa mga produktong Pilipino, lalo na para sa mga micro, small, at medium enterprises na nais lumago at makipagsabayan sa pandaigdigang ekonomiya.

Tiwala naman si Romualdez na ang mga kasunduang pangdepensa na napag-usapan sa pagbisita ni PBBM sa US ay magpapanatili sa seguridad sa West Philippine Sea at mga karatig na karagatan.

Ikinalugod din ni Romualdez ang mga papuri ni President Trump kay Pangulong Marcos na tinawag pa niyang “highly respected” at “tough negotiator.”

Facebook Comments