Manila, Philippines – Ibinunyag ng Presidential Anti-Corruption Commission PACC ang pagtanggap ng P4-M suhol ng ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways mula sa isang contractor para sa proyektong itinatayo sa Pasig City.
Ayon kay PACC Commissioner Greco Belgica, na kabilang sa mga opisyal na ito ay sina District Engineer Roberto Nicolas, Tess Orquia, Engr. Melody Dominguez, Engr. Luisito Ponancio at Vilma Gomez.
Paliwanag ni Belgica, ang mga nasabing opisyal ay sinuspinde na sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos na mapatunayan ang pagtanggap ng ‘SOP’ o Standard Operating Procedure o SOP sa pamamagitan ng video na ipinadala ng isang Complainant sa PACC.
Kitang-kita aniya sa video ang pagtanggap ng bungkos ng pera ng respondents na si Vilma Gomez at Tess Orquia, mga opisyal ng DPWH na sa pangangasiwa ni District Engineer Nicolas.