Manila, Philippines – Ibinunyag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na may muling nagpaplanong ng ouster plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay matapos sumablay ang una nilang planong Red October.
Ayon kay AFP Spokesman Brig. Gen. Edgard Arevalo, nag-break lamang ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) at mga grupong nakikipag-alyansa rito para patalsikin ang Pangulo.
Tiniyak naman ni Arevalo na patuloy ang kanilang intelligence at combat operations laban sa komunistang grupo.
Patuloy rin aniya ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga paaralan recruitment grounds ng komunistang grupo.
Facebook Comments