IBINUNYAG | FB users, na-expose ang kanilang mga pribadong litrato sa ilang 3rd-party apps

Ibinunyag ng Facebook na na-expose ang pribadong litrato ng milyu-milyong users nito na walang permiso.

Ayon kay Facebook founder Mark Zuckerberg – isang bug ang nagbigay ng pahintulot sa third-party app developers na i-access ang mga litrato ng mga user na hindi naman isini-share sa publiko.

Aabot sa 6.8 million users ang posibleng naapektuhan nito habang nasa 1,500 apps ng 876 developers ang ilegal na naka-access sa users’ photos.


Humingi na ng paumanhin ang Facebook sa nangyari.

Aabisuhan na lamang ng Facebook ang kanilang mga user kung sila ba ay naapektuhan ng bug.

Bago ito, nasangkot na rin ang Facebook sa iba’t-ibang data breach.

Facebook Comments