Nakipagkita kay Commission on Human Rights Commissioner Chito Gascon ang kabiyak ni dating Bayan Muna Partylist Congressman Satur Ocampo na si Carolina Malay.
Sa isang forum sa Quezon City, ipinarating ni Bobbie Malay kay Gascon na pinigilan umano ng mga otoridad na makausap niya ang kaniyang asawa noong sila ay maaresto noong Miyerkules, kasama ang labimpitong iba pa, dahil umano sa kasong paglabag sa Republic Act 10364 o Human Trafficking na may kaugnayan sa child abuse.
Ayon kay Malay, maging media ay pinagbawalang makapanayam sina Ocampo at Castro.
Dahil dito, inihahanda na ng kampo nina Ocampo ang paghahain ng piyansa at maging ng counter charges laban sa pulis at militar na umaresto at nagkasa ng checkpoint sa kanila.
Tiwala naman si CHR Chief Gascon na malulusutan nina Ka Satur ang mga kasong isinampa laban sa kanila.
Naniwala ang CHR Chief na kabaluktutan ang mga kaso laban sa mga miyembro ng solidarity mission.
Aniya, batid ng CHR na kabutihan at kagalingan ng mga Lumad lamang ang pakay nina Ka Satur.
Nagpadala na ng quick reaction team ang CHR sa Talaingod para i-monitor ang kaso imbestigahan ang kaso at matiyak ang seguridad nina Ocampo.