Marawi – Ibinunyag ngayon ng Task force bangong Marawi na mayroong mga may ari ng lupa na natuklasan nilang nananamantala.
Kaya naman naghigpit na ngayon ang Task force bangon Marawi sa paghahanap ng mga lupang bibilhin ng gobyerno sa Marawi City para doon ilagay ang housing projects ng gobyerno na bahagi din ng rehabilitation program.
Natuklasan kasi ng taskforce na mayroong ilang tinatawag na speculative activities sa lungsod o ang pananamantala ng ilang land owners na nag bebenta ngayon ng lupa sa sampung beses na presyo.
Sinabi ni Undersecretary Adoracion Navarro ng Regional Development Office ng Regional Development Office ng National Economic Development Authority na mula sa orihinal na 500 Piso kada Square meter ay ibinebenta ng ilang mayari ng lupa ang kanilang lupain ng 5000 Piso kada square meter o 10 beses na mas mataas ang presyo.
Kaya naman tiniyak ni Navarro na hindi malawakan ang ganitong raket ng ilang may-ari ng lupa at patuloy in naman aniya ang mahigpit na pagbabantay ng gobyerno sa mga ganitong aktibidad para hindi na magpatuloy pa.
Ibinida din ni Task force bangon Marawi Spokesman Deputy Administrator Christopher James Purisima na on target parin sila at inaasahan na sa Hunyo ay masisimulan na ang pagtatayo ng mga istraktura sa Marawi City.
IBINUNYAG | Modus ng ilang land owners sa Marawi City, natuklasan
Facebook Comments