IBINUNYAG | NPA, may sariling bersyon ng ‘Lupang Hinirang’

Ibinunyag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na may sariling bersyon ang New People’s Army (NPA) ng pambansang awit ng bansa: ang ‘Lupang Hinirang’.

Ito ay tinawag nilang ‘lupang sinira’.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Colonel Noel Detoyato, itinuturo ito sa mga kabataan bilang bahagi ng kanilang hakbang na tuligsain at labanan ang gobyerno.


Dagdag pa ni Detoyato, pinapangit din nito ang imahe ng tropa ng pamahalaan sa mga kabataan.

Sinabi ni Detoyato na itinuturo dapat sa mga eskwelahan ang pagmamahal sa bayan at pagiging responsableng mamamayan tungo sa nation-building.

Iginiit ng AFP na maituturing itong kalapastangan sa lahat ng mga Pilipino, maging sa ating mga pambansang bayani na nagsakripisyo at nagbuwis ng buhay.

Sa ulat ng AFP, ang national anthem version ng NPA ay itinuturo sa Salugpungan School sa Talaingod, Davao del Norte.

Una nang itinanggi ni dating Bayan Muna Representative Satur Ocampo na itinuturo ang ‘lupang sinira’ sa Davao Region.

Facebook Comments