IBINUNYAG | P1.12-B fraud NHA project, nabunyag; tangkang aregluhan sa kasong nakabinbin sa Court of Appeals, naharang

Manila, Philippines – Ibinunyag ng mga abogado ng pamahalaan ang pagtatangka ng kontraktor ng Smokey Mountain project sa Tondo na gatasan ang gobyerno ng higit P1.12 bilyon.

Agad na kumilos ang Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) upang harangin ang aregluhan sa pagitan ng National Housing Authority (NHA) at RII Builders kaugnay ng reklamasyon at development ng slum area sa Tondo.

Nagtataka kasi ang NHA kung bakit handa pa ang gobyerno na magbayad ng karagdagang halaga at property sa RII Builders gayong sumobra pa nga ng P300 million ang naibayad nang kompensasyon.


Ang mediation ay iniutos ng Court of Appeals sa hangad na maidaan sa amicable settlement ang isyu sa pagitan ng OGCC at RII Builders na nag-ugat sa kontrobersyal na housing project sa Smokey Mountain.

Ang OGCC ang kumakatawan sa NHA sa mga kaso sa Court of Appeals.

Una nang lumiham si chief government corporate counsel Elpidio Vega kay NHA General Manager Marcelino Escalada upang ipa-alam ang pagkakaiba ng rekord ng mga naturang ahensiya at ang kaduda-dudang hinihingi ng RII Builders para sa naturang settlement.

Facebook Comments