Manila, Philippines – Ibinunyag ngayon ng Palasyo ng Malacañang na sinubukang pumasok muli ni Vice President Leni Robredo sa Gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay matapos naman ang naging pahayag ni Robredo na handa niyang pagisahin ang oposisyon at tumayo bilang leader ng opposition movement laban sa administrasyon.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, kailan lang ay parang nag-apply muli si Robredo sa Gabinete.
Ngayong may desisyon na aniya si Robredo na pangunahan ang oposisyon, hindi na dapat ito umasang makapasok muli sa Gabinete ng Pangulo.
Matatandaan na una nang naitalaga ni Pangulong Duterte bilang Housing and Urban Development Coordinating Council o HUDCC Chairman si Robredo pero di tumagal ay hindi na ito pinadalo sa Cabinet meeting sa Malacañang tuluyan nang nasibak sa posisyon.