Binigyan ng ultimatum ng Korte Suprema ang Integrated Bar of the Phils. para magsumite ng mga dokumento na susuporta sa kanilang Writ of Kalikasan petition sa isyu ng West Philippine Sea.
Sa harap ito ng akusasyon ni Solicitor General Jose Calida na moro-moro lamang ang nasabing petisyon dahil hindi raw totoo na lumagda ang mga mangingisda mula Palawan at Zambales
Sa ginanap na deliberasyon ng Supreme Court En Banc ngayong araw, binibigyan ng hanggang July 19 ang mga petitioners para puntahan mismo ang lugar at magsumite ng kanilang compliance, o mosyon kung itutuloy ba, o hindi ang inihaing kaso.
Mas maaga ito sa nauna ng hiniling ng IBP na bigyan sila ng hanggang July 22 para magsumite ng kanilang compliance.
Sa nasabing compliance pagbabatayan naman ng Korte Suprema kung itutuloy ang oral arguements sa July 23.
Una nang ibinunyag ni Calida na mismong ang mga mangingisda ang nagkumpirma sa kanila na wala silang inihahaing reklamo laban sa gobyerno.