Magbibigay ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) ng libreng legal na tulong sa mga opisyal ng Commission on Elections (COMELEC) at botante na may kaugnayan sa halalan.
Kasunod ito ng paglagda ng IBP, COMELEC at Legal Network for Truthful Elections (LENTE) ng Memorandum of Agreement para protektahan ang kasagraduhan ng balota at mapanatili ang rule of law sa halalan.
Layon nito na turuan ang publiko tungkol sa mga karaniwang paglabag tuwing halalan at masubaybayan ang pangkalahatang pagsasagawa ng eleksyon.
Nakapaloob din sa MOA ang paglalagay ng IBP ng isang election desk sa lahat ng mga chapter nito, na pangangasiwaan ng hindi bababa sa isang abogado.
Ang mga abogadong ito ay magbibigay ng libreng legal na tulong sa mga guro, botante, at mamamayan bago, habang, at pagkatapos ng araw ng halalan.