IBP, may payo sa Kongreso kaugnay ng prangkisa ng ABS-CBN

Pinayuhan ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang Kamara at Senado na gawin na lamang ang trabaho nitong gumawa ng batas para sa prangkisa ng ABS-CBN kesa gumawa ng resolution nag-aatas sa National Telecommunication Commission (NTC) na magbigay ng provisional authority.

Sinabi ni Attorney Domingo Egon Cayosa, Pangulo ng IBP, hindi umano solusyon ang sulat ng Kamara sa NTC para tuldukan ang isyu ng ABS-CBN franchise.

Mayroon pa naman daw sapat na panahon ang mga Kongresista at Senador upang talakayin ang aplikasyon ng TV network para sa kanilang prangkisa.


Dagdag pa ng IBP Preaident, bagamat may pending quo warranto sa Supreme Court at Solicitor General ay hayaan daw ang magkabilang panig na makapaghain ng kanilang mga argumento at ebidensya at ipaubaya sa batas ang pagdedesisyon nito.

Hindi rin umano maaaring pakialaman ng Pangulo sa pamamagitan ng kanyang Veto Power ang Joint Resolution na gumagalaw ngayon sa dalawang Kapulungan ng Kongreso na nag-uutos sa NTC para maglabas ng provisional authority upang magpatuloy ang operasyon ng TV network.

 

Facebook Comments