IBP, nanawagan na resolbahin na ang ilang isyu sa Anti-Terrorism Law matapos na maaprubahan ang IRR nito

Nananawagan ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) na resolbahin muna ang ilang mga isyu sa Anti-Terrorism Law matapos na maaprubahan ang Implementing Rules and Regulations (IRR) nito.

Ayon kay IBP President Domingo Egon Cayosa, kailangan linawin ang ilang nakakapaloob na probisyon sa IRR kung saan hindi dapat ito mas nakakahigit pa sa itinakda ng batas.

Matatandaan na inaprubahan ng Anti-Terrorism Council ang IRR noong nakaraang linggo kung saan sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na isa sa mga miyembro ng council na nililinaw lamang ng IRR ang ilang probisyon at ipinapaliwanag din nito ang mga dapat at hindi dapat gawin ng isang indibidwal na naaayon sa batas.


Iginiit naman ni Cayosa na ang Anti-Terrorism Law ay maari umanong malabag ang konstitusyon gayundin din ang nasasaad sa batas.

Sinabi pa ni Cayosa na ang Anti-Terrorsim Law ang isa mga itinuturing nilang kwestyunableng batas sa kasaysayan ng bansa at sa katunayan, nasa 37 petitions ang inihain sa Korte Suprema kung saan umaasa ang IBP na magkakaroon na ng kasagutan hinggil sa nasabing isyu.

Facebook Comments