IBP, umapela sa SC kaugnay ng kaso sa pagpatay kay Cong. Batocabe

Manila, Philippines – Umaapela ng tulong sa Supreme Court ang samahan ng mga abogado sa bansa matapos ang pagpatay kay Ako Bikol Partylist Rep. Rodel Batocabe na isa ring abogado.

Sa Statement ng Integrated Bar of the Philippines o IBP, mariin nitong kinondena ang pagpatay kay Batocabe at sa iba pang mga miyembrong abogado nila

Kamakailan din, inambush si Atty. Erfe del Castillo na Miyembro ng IBP Negros Occidental bagamat nakaligtas ito nang tambangan sa Talisay, Negros Occidental.


Noong Isang buwan, patay din sa pamamaril sa public plaza ng Kabankalan City, Negros Occidental si Atty. Benjamin Ramos na Secretary General ng National Union of People’s Lawyers (NUPL)-Negros.

Kaugnay nito, sinimulan ng IBP ang isang on online petition sa pangunguna ng 78 abogado na naglalayong hikayatin ang Supreme Court sa pamamgitan ni Chief Justice Lucas Bersamin na gumawa ng agarang aksyon para protektahan ang mga abogado.

Facebook Comments