IBP-Zamboanga Del Sur chapter, nakikibahagi sa pagdiriwang ng World Law Day

Zamboanga Del Sur – Makiisa ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) Zamboanga Del Sur chapter sa pagdiriwang ng World Law Day ngayong araw.

Ayon kay IBP Zamboanga Del Sur President Atty. Xerxes Regala, nakatakdang isasagawa ang motorcade ngayong alas 7:30 ng umaga at saka isusunod ang maikling programa.

Sa pagdiriwang ng World Law Day ay nagbigay ang IBP-Zamboanga Del Sur chapter ng libreng legal assistance sa mga mamamayan na walang kakayahang magbayad ng abogado.


Kasali na sa kanilang free legal aid program ang libreng notaryo sa mga affidavit at ilang legal na dokumento.

Facebook Comments