ICAD, naglunsad ng isang Information System

Naglunsad ng Information System ang Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Sa pamamagitan nito, pwede nang ma-access ng mga miyembro ng Komite ang lahat ng impormasyon tungkol sa kampanya kontra ilegal na droga.

Makatutulong din ito para mapanatili ang accuracy o pagiging tama ng mga datos gaya ng bilang ng mga drug surenderee.


Ngunit, hindi naman ito maaaring ma-access ng publiko.

Umaasa ang ICAD na sa pagpasok ni Vice President Leni Robredo ay mas magtitiwala na ang publiko sa mga datos na inilalabas ng gobyerno.

Facebook Comments