Bukas sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa pagsasagawa ng Aerodrome and Ground Aids (AGA) mission ng International Civil Aviation Organization (ICAO).
Ayon sa CAAP, ang naturang misyon ay mahalagang aktibidad para sa tulong teknikal sa aviation industry ng Pilipinas.
Ito ay habang naghahanda ang bansa para sa Universal Safety Oversight Audit Program – Continuous Monitoring Approach (USOAP-CMA) audit ng ICAO.
Sinusuri ng programa ng ICAO kung paano pinangangasiwaan ng isang bansa ang kaligtasan sa aviation industry.
Kabilang na rito ang mga sasakyang panghimpapawid at paliparan ng isang bansa kung ito ba ay ligtas gamitin at kung natutupad ang international standards.
Facebook Comments