ICC case laban kay Pangulong Duterte, welcome development para kay Senator Trillanes

Manila, Philippines – Para kay Senator Antonio Trillanes IV, welcome development ang kasong isinampa sa International Criminal Court o ICC ni Atty. Jude Sabio laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Trillanes, dahil sa naturang hakbang ay mayroon ng independent body na aalam ng katotohanan ukol sa pagpaslang sa libu-libong mga Pilipino.

Mayroon na rin aniyang independent body na magpaparusa sa mga indibidwal na sangkot sa naturang serye ng pagpatay o yaong nag utos at nagpahintulot na ito ay mangyari sa bansa.


DZXL558

Facebook Comments