Saturday, February 28, 2026

ICC case ni dating Pangulong Duterte, hindi isyu sa international community

Walang nakikitang legal o diplomatic na problema ang Malacañang para sa Pilipinas kaugnay ng nagpapatuloy na pagdinig ng International Criminal Court (ICC) sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, hindi ito isyu sa international community dahil pinapakita lamang ng Pilipinas na hindi nito kinukunsinti ang krimen at anumang uri ng pang-aabuso.

Hindi aniya pinapaboran ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang sinomang kumikilos na tila “above the law.”

Naniniwala rin ang Palasyo na hindi magiging negatibong isyu laban sa administrasyon ang ICC hearing, lalo na habang papalapit ang 2028 elections, dahil tumutupad lamang ang pamahalaan sa umiiral na batas at itinataguyod ang accountability.

Facebook Comments