ICC, hindi dapat imbestigahan si dating Pangulong Rodrigo Duterte

Mariin ang pagtutol ni Agusan Representative Dale Corvera na makialam ang International Criminal Court o ICC sa bansa lalo na ang magsagawa ng imbestigasyon laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Si Corvera ay kasama ni dating pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo at ng 18 pang mga mambabatas na naghain ng House Resolution No 780.

Sa resolusyon ay nagkakaisang nilang ipinagtatanggol si dating Pangulong Duterte laban posibleng imbestigasyon ng ICC ukol sa umano’y crime against humanities kaugnay sa ikinasang nitong giyera kontra droga.


Para kay Corvera, isang insulto ang hakbang ng ICC at ang intensyon nito ay hindi katanggap-tanggap.

Giit ni Corvera, gumagana ang independent na sistema ng batas sa Pilipinas kaya walang dahilan para umeksena ang ICC.

Facebook Comments