ICC, iginiit na hindi pwedeng bawiin ang reklamo laban kay P-Duterte

Nanindigan ang International Criminal Court (ICC) na hindi maaaring bawiin ang communication o reklamong inihain laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay matapos sabihin ni Atty. Jude Sabio – ang abogado ng confessed hitman na si Edgar Matobato na plano nilang bawiin ang communication na isinumite nila sa ICC noong 2017 dahil sa mga patayan sa ilalim ng war on drugs.

Iginiit ng Office of the Prosecutor ng ICC, na obligado silang irehistro ang lahat ng impormasyong natatanggap nila.


Ang isinumiteng article 15 communication ay hindi basta-basta pwedeng bawiin.

Sinabi rin ng ICC na hindi nila pwedeng itapon o ibalik ang impormasyong isinumite sa kanila.

Paglilinaw din ng ICC na ang pagbawi sa communication ay walang impact sa nagpapatuloy na preliminary examination sa drug war ng Duterte administration.

Matatadaang sinimulan ni ICC Prosecutor Fatou Bensouda ang kanyang preliminary examination sa communication ni Sabio noong Pebrero 2018.

Nitong Marso 2019, inanunsyo ni Pangulong Duterte ang pag-aklas ng Pilipinas sa ICC.

Facebook Comments